Rael: Mang-aawit/Manunulat ng Awit - Ang Kilusang Raelian
Ang aklat na kung saan ay literal wala sa loob ng mundong ito. I-download at basahin para sa iyong sarili!

Ang Kilusang Raelian

Rael: Mang-aawit/Manunulat ng Awit

Ang kanyang unang naitala noong 1965
Si Rael na may tunay na pangalang Claude Vorilhon ay ipinanganak noong September 30, 1946 sa Vichy, France, at doon lumaki sa Ambert kapiling ang kanyang tiyahin at lola. Nagkaroon ng matinding pagkahumaling sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng awitin, Iniwan ni Rael ang kanyang tahanan sa edad na 15 at pumunta sa Paris kung saan nakapagsagawa ng maraming palabas bilang mang-aawit gamit ang alyas na Claude Celler. Bilang masugid na tagahanga ni Jacques Brel, nakapgtrabaho na siya sa lahat ng kabaret sa Paris bilang mang-aawit kung saan dito nakakapag-perform ang mga ibang Belgium star sa kasagsagan pa lang ng pagsisimula ng kanyang career, katulad ni L Echelle de Jacob. Naging kilala si Rael sa kanyang awiting Le Miel et la cannelle (Honey and cinnamon) at nakapaglabas ng 5 records sa pagitan ng taong 1966 at 1971, matapos na maialok ang kontrata sa Disc AZ CEO ni Lucien Morisse, dating asawa ng French star Dalida:

  • Sacrée sale gueule (Ang kanyang unang naitala noong 1965).
  • Dans un verre de vin
  • Le Miel et la cannelle (Honey and cinnamon) (1966)
  • Madam' Pipi (Mrs. Toilet attendant) (1966)
  • Monsieur votre femme me trompe (Mister, your wife is cheating on me) (1966)
  • Quand on se mariera (When we'll get married) (1966)
  • Mon amour Patricia (My love Patricia). (1971)

Mula ng maging si RAEL, ginamit ang talento sa pag-awit at pagsusulat ng awit, para sa ating kasiyahan, upang maiangat ang kahalagahan at pag-unawa sa Pilosopiyang Raelian tulad ng kalayaan sa pag-ibig, walang karahasan, pagmamahal sa mga diperensiya ng iba, at iba pa.

Si Rael ay nakapagsulat na ng mahigit 200 na awit. Ang iba rito'y maaring maida-download na sa mp3 format gamit ang mga link sa ibaba.