Rael: Mensahero ng Elohim

Noong ika-7 ng Oktubre 1975, nagkaroon siya ng pangalawang engkuwentro at muli ay binigyan siya ng karagdagang impormasyon na naisulat naman sa pangalawa niyang aklat, ganunpaman ito’y bahagi pa rin ng Intelligent Design. Sa panahong iyon, si Rael ay nakapaglibot na sa maraming bahagi ng Mundo, nakapagsagawa ng mga pagpupulong at seminar sa iba’t-ibang bahagi ng kontinente upang makatagpo pa ng mga taong nagnanais makibahagi sa pagtanggap ng ating mga Manlilikha.
Nakapagsulat din siya ng iba pang aklat tulad ng Sensual Meditation kung saan ay sentrong bahagi pa rin ito ng kanyang mga aral, "Geniocracy" upang maitaguyod pa ang mas maraming maka-intelehinteng pamamahala sa ating planeta at ang "Yes To Human Cloning" ipinapaliwanag ang posibilidad ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at isang napakagandang kinabukasan na inaasahan nating maipagpapasalamat sa Agham.
Sa nagdaang mga taon, si Rael ay inspirado sa pagsasagawa ng mga pampublikong aksyon gaya ng sa mga paaralan para maitaguyod ang paggamit ng mga condom at ang pagsasalsal; resulta ng ganitong pangangampanya sa buong Mundo ay nakakuha ng ilang suporta mula sa mga maliliit na grupo gamit ang sawikain "ang hayaan ang diperensya ng bawat isa ay hindi sapat, dapat ay mahalin ang mga diperensyang ito" sa mga nakakaistorbong kahilingan na magkaroon ang lahat ng mga Pang-relihiyong aklat na magbibigay pagkakasala sa mga hindi rumerespeto sa mga Karapatang Pantao; magmula sa suporta ng Human Cloning sa pamamagitan ng naitatag ng Kilusang Clonaid, hanggang sa pagtataguyod ng GMO bilang natatanging tsansa para sa lahat ng tao sa Mundo na magkaroon ng sapat na pagkain; magmula sa pagkakatatag ng Kilusang Clitoraid, isang uri ng samahan upang matulungan ang ibang mga babae na magkaroon ng pagtutule sa kanilang mga tinggel upang maisaayos ang tinggel ng mga babaeng hindi nagkakaroon ng kasiyahan kapag nagsasagawa ng aktuwal na seksuwalidad, nang sa ganun sila’y muling magkaroon ng kasiyahang seksuwal at para na rin sa panawagan ng lahat ng tradisyunal na Aprikanong lider na makalikha ng Nagkakaisang Estado ng Aprika.
Si Rael ay naging panauhin ng ilang mga kilalang pangunahing programa sa TV sa Mundo tulad ng 60 minuto, CNN, FOX, at BBC news programs, ganun din ang progmang Breakfast with Frost at Entertainment Tonight, at ilan pang nasabing programa. Siya’y naimbitahan din sa harap ng American Congress na magpaliwanag ng kanyang pananaw hinggil sa Siyensya at naging panauhin din ng ilang mga Lider dito sa Mundo, kabilang na si President Denis Sassou N'Guesso of Congo bilang unang lider na tumanggap sa kanya noong taong 2000. Maraming mga artista ang kumilala sa kanya tulad nina French author Michel Houellebecq at Hugh Hefner.
Sa bawat kultura sa Mundo, ay may inaasahang mensahero, maaring ito ay ang Maitreya ng mga Buddhists, ang Mesiya ng mga Jews, ang Paraclet ng mga Kristiyano, o ng iba pang sugo na may sariling katawagan ng iba pang tribo sa buong Mundo. Itong mga inaasahang mensahero, tulad ng mga nabanggit na, ay maariing hindi nakapagpakuntento ng bawat isa, pero naipapahayag ang kung ano ang dapat asahan ng ating Manlilikha mula sa atin. Ganito rin ngayon ang ginagawa ni RAEL sa halos mahigit 30 taon na mula sa kasalukuyan, ang walang pampalubag-loob na pagbiyahe habang sinasang-ayunan ang hindi pag-angkin o pagmantine ng anuman sa Mundo, pero ibinibigay ang empasiya sa pagbubuhos ng lahat para sa pagtanggap sa ating Manlilikha sa isang embahada na siyang hiling ng mga Elohim na dapat ay maitayo na bago ang 2035.
[ < Balik ]