Rael: Karerista ng Kotse

Noong December 13, 1973, ang kanyang mga nakasanayang buhay ay biglang nagbago nang makipagkita sa kanya ang isa sa mga siyentipiko na lumikha sa atin at puwersahang pinatatalikuran ang lahat ng kanyang mga nakahumalingan. Samantala, noong 1994, makalipas ang 20 taon matapos ang kanyang tanyag na engkuwentro, dahil sa hiling ng mga nakararaming Raelian na gustong makita siyang nakikipagkarera, muling humawak si Rael ng pang-propesyunal na kotseng pangarera at lumahok sa isang kilalang kumpetisyong pang-internasyunal. Sinuportahan ang nasabing paglahok ng isang kauna-unahang Interpretation Center tungkol sa penomenang UFO sa Mundo, ang UFOland, Dahil diyan, naibalik ni Rael ang dati niyang nakahiligan habang patuloy siyang nagpapalaganap ng mensaheng ibinigay sa kanya ng ating mga Manlilikha.
Kasama ang iba pang kareristang tulad ni Le Mans winner Jean Claude Andruet, Depailler etc... at sa pamamagitan ng pakikipagkarera sa mga pinaka-prestihiyosong karerahan sa Mundo tulad ng sa Monza Italy, Spa Belgium, Daytona USA, Montreal Canada, Suzuka Japan at marami pang iba, bilang isang piling piloto, ang reputasyon ni Rael ay naging mas matatag. Sa madaling sabi, si Rael ang pinakamabilis na lider pang-ispirituwal sa Mundo!
Ngayon, si Rael ay nagretiro na mula sa pagiging propersyunal na karerista, pero patuloy pa rin niyang nai-enjoy ang pagkakarera kapag siya’y may bakanteng oras sa pamamagitan ng paglalaro ng computer na may iba’t-ibang istilo ng simulator sa internet, lalo na itong Live for Speed kung saan gamit niya ang pangalang rael01 at siya ay naging isa sa pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo.